Dalawa patay sa buy-bust operation sa Pandacan, Maynila

By Cyrille Cupino July 18, 2017 - 06:55 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa isang bahay sa Callejon Dos St., Pandacan, Maynila.

Nilusob ng mga operatiba ang lugar na sinasabing drug den at bentahan ng iligal na droga.

Kinilala ang mga napatay na sina Jay-Ar Geneblazo at Ryan Salcedo, alyas ‘Bait’.

Hindi naman malinaw kung paano napatay ang mga suspek dahil tumangging na magbigay ng pahayag ang mga pulis, gaya sa mga nagdaan nilang mga operasyon.

Ayon sa Homicide Division ng Manila Police District, nakuha sa kamay ng mga napatay ang dalawang caliber .38 na revolver, at hindi malamang bilang ng sachet ng hinihinalang shabu.

Nagkagulo naman ang mga residente pagkaalis ng mga pulis at pagkalabas ng bangkay matapos magwala ang isang lalaki.

Muntikan pang magkaroon ng stampede dahil masikip ang eskinita at nagtakbuhan ang mga tao.

May dala umanong itak ang lalaking kinilala lamang sa pangalang ‘Jan-Jan’ at nagbantang papatayin ang lahat.

Ayaw na ring magsalita ng mga residente sa nasabing pangyayari.

 

 

TAGS: drug war, metro news, Pandacan Manila, raydo inquirer, drug war, metro news, Pandacan Manila, raydo inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.