Korean Star Nam Joo Hyuk, nakatakdang dumating sa bansa

By Rhommel Balasbas July 18, 2017 - 03:55 AM

 

Na-excite ang Filipino fans matapos ianunsyo ng YG Entertainment, ang agency na kinabibilangan ni Nam Joo Hyuk, na darating ito sa bansa sa Setyembre.

Ayon sa post ng agency sa kanilang official twitter account, darating si Nam sa Setyembre 21 at wala pang sinasabing detalye ukol sa kanyang pagbisita.

Ngunit sa post ni Rhiza Pascua, head ng Music Management International o MMI Live, nakatakdang tumungo si Nam sa Kia Theatre sa nasabing petsa para sa close-up encounter sa kanyang fans.

Sumikat si Nam Joo Hyuk dahil sa pinagbibidahan niyang TV Series na “Weighlifting Fairy” na kasalukuyang pinapalabas ngayon sa bansa.

Sa datos na inilabas ng Kantar Media Philippines noong July 13, nangunguna ang Weightlifing Fairy sa block time nito na isang patunay sa suporta ng fans kay Nam.

Mapapanood din si Nam sa kasalukuyang umeereng series sa Korea na “The Bride of Habaek”.

Excerpt: Sumikat si Nam Joo Hyuk dahil sa pinagbibidahan niyang TV Series na “Weighlifting Fairy”.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.