Commercial-residential building sa Pasig, nasunog

By Jong Manlapaz July 18, 2017 - 04:28 AM SHARE(S):

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Tinupok ng apoy ang isang limang palapag na commercial-residential building sa kahabaan ng C. Raymundo St., Bgy. Caniogan, Pasig City.

Nagsimulang makita ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali dakong alas 6:00, Lunes ng gabi.

Sa pagdating ng mga bumbero, umabot ang apoy mula sa third floor hanggang sa ikalimang palapag ng gusali.

Dahil dito, itinaas sa Task Force Alpha ang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.