Nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City, 547 na

By Chona Yu July 17, 2017 - 01:09 PM

Joshua Morales | Radyo Inquirer correspondent

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sa press briefing sa Lanao Del Sur Provincial Capitol, sinabi ni Joint Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera na umabot na sa 405 ang nasawi sa panig ng mga kalaban.

Sa panig naman ng tropa ng pamahalaan, nasa 97 na ang bilang ng mga nasawi.

Nananatili naman sa 45 ang bilang ng mga nasawing sibilyan at mayroon nang 1,753 na nailigtas.

Ayon kay Herrera, patuloy ang pagsasagawa ng clearing operations ng militar sa mga lugar na kinubkob ng Maute group sa Marawi City.

Malaking bahagi na aniya ng mga lugar na ito ang nabawi na ng militar.

 

 

 

 

 

TAGS: Marawi City, Maute Terror Group, Radyo Inquirer, Marawi City, Maute Terror Group, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.