Kapitan ng barangay sa Teresa, Rizal, patay sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2017 - 10:42 AM

Patay ang isang kapitan ng barangay matapos tambangan ng riding in tandem sa Teresa, Rizal.

Ayon kay Chief Inspector Renato Torres, hepe ng Teresa police, ang biktimang si Arvin Dexter Zapanta ay kasalukuyang chairman ng Barangay San Gabriel sa nasabing bayan.

Dalawang hindi nakilalang lalaki na sakay ng motorsiklo ang suspek sa pananambang kay Zapanta kaninang alas 7:00 ng umaga malapit sa barangay hall.

Nagsasagawa umano ng inspeksyon ang biktima sa garden project ng barangay nang ito ay pagbabarilin.

Nagtamo ng tama sa ulo at katawan si Zapanta na agad nitong ikinasawi.

 

 

 

TAGS: barangay captain, crime, Radyo Inquirer, san gabriel, teresa rizal, barangay captain, crime, Radyo Inquirer, san gabriel, teresa rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.