Motorcycle rider, sugatan matapos mabangga ng taxi sa Pandacan, Maynila

By Cyrille Cupino July 17, 2017 - 07:00 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos mabangga ng isang taxi sa kanto ng P. Guanzon at Quirino Avenue sa Pandacan, Maynila.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang binti at nabali pa ang isang ngipin ng biktimang si Mark Rocapor, 34 anyos.

Kwento ng biktima, naka-green light ang traffic light sa kanilang lane nang bigla na lang ring nag-‘go’ ang Ralph Louie taxi na may plakang AAU-649 at minamaneho ng isang Joel Ortega kahit pa dapat ay huminto lang ito.

Dahil dito, nagkasalubong ang dalawa at nagbanggaan sa gitna ng intersection.

Wasak ang harapang bahagi ng motorsiklo ni Rocapor, habang nayupi naman ang gilid ng taxi.

Aminado naman ang driver ng motorsiklo na nakainom siya ng alak pagkatapos ng kanyang duty sa trabaho, pero hindi umano niya kasalanan kung bakit sila nagkabanggaan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Traffic Bureau sa nasabing insidente.

 

TAGS: accident, manila, metro news, motorcyle rider, pandacan, accident, manila, metro news, motorcyle rider, pandacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.