27 patay, 54 nawawala sa paglubog ng bangka sa Congo

July 17, 2017 - 04:24 AM

Hindi bababa sa 27 ang namatay at 54 pa ang nawawala matapos lumubog ang isang pampasaherong bangka sa ilog ng Kasai sa Democratic Republic of Congo.

Ayon sa mga lokal na opisyal ‘overcrowding at lasing na mga drivers’ ang sanhi ng paglubog ng bangka na karamihan sa mga sakay ay pawang mga estudyante.

Ayon din sa isang radio broadcaster ng Congo, dalawa sa mga nasawi ay mga madre.

Ang naturang uri ng transportasyon ay isa sa mga gamit na gamit sa Congo dahil na rin sa malalapad na mga ilog nito.

Kadalasang bumabaliktad ang mga bangka sa DR Congo dahil sa “overcrowding” at kakulangan sa safety measures.

Inialay ang isang misa sa Idiofa Cathedral bilang paggunita sa mga nasawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.