Roger Federer, makasaysayan ang panalo sa Wimbledon

By Rhommel Balasbas July 17, 2017 - 04:24 AM SHARE(S):
AP photo

Nasungkit ni Roger Federer ang ikawalo niyang Wimbledon Title matapos talunin ang luhaan na si Marin Cilic sa kanilang laban na naganap noong Biyernes.

Sa iskor na 6-3, 6-1, 6-4, tinalo ni Federer si Cilic na agad niyang binati dahil na rin sa pinakitang husay nito.

Isang oras at apatnapu’t isang minuto lang ang kinailangan ni Federer para makuha ang kampeyonato na huli niyang nakuha noon pang 2012.

Si Federer na ang pinakamatandang manlalaro ngayon na nakasungkit ng Grand Slam title sa edad na 35 mula sa pagkapanalo ni Arthur Ashe sa edad na 32 noong 1976.

Tinawag niyang “magical” ang pagkapanalo niya sa loob ng isang buong set na huli pang nagawa ni Bjorn Borg taong 1976 din.

Si Federer na champion din para sa kanyang apat na anak ay nakatakdang magdiwang ng ng kanyang ika-36 na kaarawan sa susunod na linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.