Halos P78.4-B na halaga ng utang, nabayaran ng gobyerno noong Mayo

By Kabie Aenlle July 17, 2017 - 04:09 AM

 

Tatlong beses na mas mataas ang halaga ng nabayarang utang ng gobyerno nitong Mayo ng taong kasalukuyan, kumpara sa naitala noong nakaraang taon.

Ayon sa Bureau of Treasury, pagsapit ng Mayo ay gumastos na ang pamahalaan ng P78.39 bilyon para mabayaran ang mga liabilities o utang nito.

Sa parehong panahon noong nakaraang taon, P25.49 bilyon lamang ang nabayaran ng pamahalaan.

Dahil dito, bumaba ng 27 percent ang mga utang sa P353.32 billion mula sa P484.58 bilyon noong nakaraang taon.

Naglalaan ang gobyerno ng pondo para sa pagbabayad ng mga utang kada buwan.

Kapag inisa-isa, nagbayad ng P57.42 billion ang pamahalaan para sa mga principal payments, habang ang mga nalalabi pang halaga ay ipinambayad naman sa mga interes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.