Dalawang international humanitarian agencies, nangako ng tulong sa Marawi rehabilitation

By Chona Yu July 17, 2017 - 04:30 AM

 

Nagpahayag na ng kahandaang tumulong ng dalawang malaking International Humanitarian Agencies para sa rehabilitasyon sa Marawi City.

Ito ay dahil na rin sa pagkasira ng mga bahay at iba pang ari-arian dulot ng nagaganap na giyera sa pagitan ng teroristang Maute group at tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Assemblyman Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Lanao del Sur Provincial Disaster Management Committee, tutulong ang United National Development Program o UNDP at Japan International Cooperation Agency o JICA.

Katunayan ayon kay Adiong, mayroon nang koordinasyon at technical support ang dalawang Internatinal agencies sa lokal na pamahalaan ng Marawi.

Ayon kay Adiong, hindi lang ang mga dayuhan ang handang tumulong sa Marawi kundi maging ang ilang local architectural firms.

Mahalaga aniya na maganda ang city zoning para sa topography at terrain ng Marawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.