41 Pinoy na pinigil sa Indonesia dahil sa pagpasok sa kanilang teritoryo, napabalik ng Pilipinas

By Ricky Brozas July 16, 2017 - 05:16 PM

 

Aabot sa apatnapu’t isang Pilipino na ang karamihan ay mga mangingisda ang pinauwi ng Philippine Navy mula sa bansang Indonesia pabalik ng Pilipinas.

Dumating sila sa Sasa Wharf sa Davao lulan ng BRP Ramon Alcaraz, Linggo ng umaga.

Nangyari ang repatriation matapos makumpleto ng Navy ang sampung araw na coordinated border patrol kasama ang kanilang Indonesian counterparts.

Agad namang itinurn-over sa Davao Davao City Social Welfare Office ang mga repatriates para sa medical assistance and assessment. Bibigyan din sila ng cash assistance.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.