WATCH: CCTV footage sa pananambang sa isang pulis sa Biñan Laguna

By Mark Makalalad July 14, 2017 - 11:52 AM

Photo Credit | Cely Ambayec

Patuloy ang pagsasagawa ng follow-up operation ang Biñan Police sa kaso ng pagpaslang sa kasamahan nilang pulis noong Miyerkules.

Tinambangan habang pauwi ng kaniyang bahay at sakay ng motorsiklo si SPO2 Ricardo “Carding” Infante sa Tulay, Bato, Barangay san Antonio.

Sa CCTV footage na nakuha ng Radyo Inquirer, maliwanag na nakuhanan ang pananambang dahil alas 8:00 ng umaga naganap ang krimen.

Makikita sa CCTV na isang lalaki ang bumaril kay Infante, matapos ito ay ilang segundo pang tumagal ang suspek sa tabi ng biktima dahil kinapkapan niya pa ito na mistulang may hinahanap.

Matapos ito ay nahagip din ng CCTV ang pag mani-obra ng motorsiklo na ginamit sa pagtakas ng suspek kasama ang driver.

Bumuo na ng task force ang pulisya para imbestigahan ang insidente.

TAGS: binan police, cctv, spo2 ricardo infante, binan police, cctv, spo2 ricardo infante

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.