Gov. Imee, dumulog na sa SC; binatikos ang mistulang ‘hostage crisis’ sa Kamara

By Jay Dones July 14, 2017 - 04:28 AM

 

Idinulog na ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa Korte Suprema ang paggiit nitong pigilan ang nakatakdang congressional inquiry ukol sa umano’y maling paggamit ng milyun pisong pondo mula sa tobacco excise tax ng naturang laalwigan.

Kinumpirma ni Marcos na naghain na ang kanyang kampo ng isang omnibus petition sa Korte Suprema upang hilingin dito na ipahinto ang naturang hakbang ng mga mambabatas.

Bukod dito, nais rin ng kampo ng gobernadora na ipag-utos ng Korte Suprema na agad na palayain ng Kamara ang Ilocos Six.

Giit nito, pulitika lamang ang motibo sa likod ng imbestigasyon at ginagamit lamang ng iilan ang buong Kongreso para dito.

Una rito, ipinakulong ng House committee on Good Government and Public Accountability ang anim na lokal na opisyal ng Ilocos Norte dahil sa pagtangging sumagot sa isyu ng umano’y iligal na paggamit ng nasa P66.45 miyon na tobacco fund para bumili ng mga sasakyan.

Ipinatatawag rin sa susunod na pagdinig sa July 25 si Gov. Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.