Pacquiao hindi pa magreretiro sa boxing

By Den Macaranas July 12, 2017 - 07:30 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Wala pang balak na magretiro sa kanyang boxing career ang Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquaio.

Nang tanungin ng mga mamamahayag si Pacquiao kung totoong isasabit na niya ang kanyang boxing gloves ay isang simpleng sagot ang kanyang sinabi.

“Until the passion is gone”.

Itinanggi rin ni Pacquaio ang mga report na galit siya sa kanyang coach na si Freddie Roach na nagsabi sa isang interview ng Sports Illustrated na hanggang ngayon ay hindi pa siya binabayaran ni Pacman.

Nilinaw ng mambabatas na pati siya ay hindi pa rin binabayaran ng CEO ng Top Rank Promotions na si Bob Arum.

Sa kanyang laban noong July 2 kung saan ay natalo siya sa Australian boxer na si Jeff Horn ay may guaranteed take home money si Pacquaio na nagkakahalaga ng $10 Million.

Otomatiko umanong ikinakaltas sa kanyang kita ang bayad sa mga taong kasama ng kanyang entourage kasama na si Roach.

Basta ang malinaw ayon sa Pambansang Kamao ay pareho sila ng kanyang coach na hindi pa nababayaran ni Arum sa kanyang nakaraang laban sa Brisbane, Australia.

TAGS: Bob Arum, Boxing, Freddie Roach, manny pacquiao, retirement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.