Pulis, patay sa pananambang sa Biñan, Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2017 - 01:11 PM

Contributed Photo | Cely Ambayec

Patay ang isang pulis matapos na tambangan habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa Biñan, Laguna.

Naka-uniporme pa si SPO2 Ricardo “Carding” Infante, miyembro ng Police Assistance Center (PAC) Section, nang maganap ang pananambang sa kaniya sa Tulay Bato, Barangay San Antonio pasado alas otso ng umaga ng Miyerkules.

Dinala pa sa pagamutan si Infanta pero nasawi din dahil sa ulo ang kaniyang tama.

Papauwi sana sa Infante galing sa kaniyang pang-gabing duty sa himpilan ng pulisya nang siya ay barilin ng riding in tandem.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang Biñan Police sa naganap na insidente.

 

TAGS: ambush, crime, laguna, police, Shooting Incident, ambush, crime, laguna, police, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.