Bangkay ng lalaking isinilid sa kahon, natagpuan sa Las Piñas City

By Mark Makalalad July 12, 2017 - 10:09 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na nakasilid sa kahon sa labas ng CAA Elementary School sa Las Piñas City.

Hinala ng mga saksi, biktima ng salvage ang lalaki dahil nakatali ang kamay nito at saka pinagkasya sa kahon.

Ayon kay Felix Papio, barangay investigator, alas 5:05 ng umaga nang makatanggap ng tawag si Rodrigo Canaman, OIC ng barangay CAA na mayroon umanong kahinahinalang bagay sa labas ng paaralan.

Nang kanilang puntahan, nakita ang bangkay sa loob ng karton.

Agad pinuntahan at nirespondehan ng nga tanod.

Nakita naman sa tabi ng patay ang tatlong sako ng casing ng cellphone na maaring magamit bilang ebidensya sa krimen.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyari sa hindi pa nakikilalang lalaki.

Sa ngayon dinala na ang bankay sa People’s Funeral.

 

 

 

 

TAGS: Las Piñas City, metro news, Radyo Inquirer, summary execution, Las Piñas City, metro news, Radyo Inquirer, summary execution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.