Face-off nina Floyd Mayweather at Conor McGregor, dinayo ng libo-libong boxing fans

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2017 - 09:32 AM SHARE(S):
AFP PHOTO | Gene Blevins

Naging mainit ang unang pagtatagpo nina Floyd Mayweather at Conor McGregor para sa promotional tour ng magaganap na laban nila sa August 26.

Nasa labingisang libong boxing fans ang dumagsa sa Staples Center sa Los Angeles para saksihan ang face-off nina Mayweather at McGregor.

Itinuturing na isa sa “richest fight” sa history ng boxing ang magiging laban ng dalawa sa susunod na buwan.

Harap-harapang inasar ni McGregor si Mayweather at kinutsa ang pagsusuot nito ng ‘tracksuit’.

Ayon kay McGregor, marahil ay wala nang pambili ng suit si Mayweather dahil sa kaniyang napaulat na problema sa pagbabayad ng buwis.

Pangako ni McGregor, pababaksakin niya sa boxing ring si Mayweather sa loob lang ng apat na round.

Samantala, si Mayweather naman na bagaman aminadong hindi na siya gaya ng dati, sinabing sapat pa ang kakayahan niya para talunin si McGregor.

 

 

 

 

TAGS: Boxing, mayweather, mcgregor, Radyo Inquirer, sports, sportsnews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.