Lalaking kabilang sa high value target, patay sa pananambang sa Las Piñas City

By Cyrille Cupino July 12, 2017 - 08:22 AM

Patay ang isang lalaking nasa top 10 high value target list matapos pagbabarilin sa Almanza Dos, Las Piñas City.

Kinilala ang lalaki na si Dindo Accompanado, Brgy. Ex-O ng Brgy. Almanza Dos, at kasama sa listahan ng mga sangkot sa droga sa lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad lamang si Accompanado sa T.S. Cruz Subdivision nang tambangan ng apat na lalaking sakay ng dalawang itim na motorsiklo.

Dinala pa sa Ospital ng Muntinlupa ang biktima, pero idineklara ring dead on arrival matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakuha sa crime scene ang ilang basyo ng caliber .45.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente ng pamamaril.

 

 

 

 

TAGS: high value target, Las Piñas City, metro news, Murder, radyo iqnuirer, high value target, Las Piñas City, metro news, Murder, radyo iqnuirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.