Suspek sa pagpatay sa Amerikano sa Caloocan City, arestado

By Cyrille Cupino July 12, 2017 - 06:59 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado na ang suspek sa likod ng pagpatay sa Amerikano nitong Martes sa PNR Compound, Brgy. 73, Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Romeo De Luna, Jr. alyas ‘Bugoy’, 23-anyos, isang tricycle driver.

Ayon sa mga saksi, si alyas ‘Bugoy’ ang huling kasama ng biktimang si James Rinaldo Bordreaux o mas kilala bilang ‘Jimmy’ bago ito natagpuang patay sa loob ng inuupahang kwarto.

Ayon naman sa suspek, niyaya siyang makipag-inuman ng biktima, at nang malasing na ito ay pinagtangkaan umano siyang hipuan.

Dito na aniya siya pumalag hanggang sa nasaksak niya ang biktima.

Pero nanlaban pa umano ang dayuhan at siya ay sinipa, dahilan para tadtarin niya ng saksak ang Amerikano.

Ayon kay alyas Bugoy, ‘self-defense’ lamang kaya niya nagawa ang krimen.

Pero aminado naman si De Luna na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa Caloocan City Police, mahaharap ang suspek sa kasong murder.

 

 

 

 

TAGS: american national killed in caloocan, murder case, Radyo Inquirer, suspect arrested, american national killed in caloocan, murder case, Radyo Inquirer, suspect arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.