Kahit matapos ang Marawi crisis, banta ng terorismo magpapatuloy-Duterte

By Jay Dones July 12, 2017 - 03:41 AM

 

Kahit ganap nang mapagtagumpayan ng puwersa ng gobyerno at matapos na ang Marawi siege, hindi pa rin ganap na maapula ang banta ng terorismo sa bansa.

Sinabi ng pangulo na mananatiling malaking banta sa kapayapaan ng Pilipinas ang terorismo na dulot ng ISIS o Islamic State sa mga susunod na panahon.

Maging siya aniya ay nagulat at nagtataka kung saan nagmumula at kung paano nakaipon ng armas at bala ang Maute group na sumalakay sa Marawi City at patuloy na nakikipagbakbakan sa mga sundalo at pulis.

Kahapon, sinabi ng pangulo na inaasahan niyang ganap nang matatapos sa loob ng sampu hanggang labinlimang araw ang gulo sa Marawi City.

Matatapos naman ang animnapung araw na martial law sa Mindanao sa July 22.

Sa pinakahuling tala, nasa mahigit 500 na ang bilang ng nasawi dulot ng kaguluhan sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.