Mahigit 50 katao, arestado sa ‘Oplan Janitor Fish’ sa Laguna

By Rohanisa Abbas July 11, 2017 - 11:19 AM

Inaresto ang mahigit 50 katao sa Laguna dahil sa iba’t ibang kaso sa isinagawang operasyon ng pulisya na Project Janitor Fish.

Isinilbi ng pulisya ang arrest warrants sa 53 katao sa dalawang araw na operasyon.

Ayon kay Police Supt. Vic Cabatingan, tinawag nilang “Project Janitor Fish” ang operasyon na inihalintulad sa naturang isda na nililinis ang mga dumi.

Bahagi aniya ng programa na linisin ang lalawigan sa mga masasamang loob.

Susunod naman na target ng Laguna Police ang mga nagtatago sa iba pang probinsya.

Ayon kay Police Senior Supt. Cecilio Ison, nagtalaga na sila ng mga pulis na tinutunton na ang mga ito.

 

 

 

TAGS: laguna, project janitor fish, provincial police, Radyo Inquirer, laguna, project janitor fish, provincial police, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.