Resulta ng re-score ng WBO: Pacquiao, talo talaga kay Jeff Horn

By Justinne Punsalang July 11, 2017 - 10:51 AM

From WBO

Kinumpirma ng World Boxing Organization o WBO na si Jeff Horn ang nanalo sa kanilang welterweight fight ni Manny “Pacman” Pacquiao.

Matatapos ang scoring review na isinagawa ng panel ng mga independent judges, lumabas na ang pambansang kamao ang nanalo sa 3rd, 8th, at 9th round base sa 100 percent average scale, 5th round base sa 80 percent average scale, at 11th round sa 60 percent average scale.

Nanalo naman si Horn sa 1st, 6th, at 12th round base sa 100 percent average scale, 2nd, 4th, at 7th base sa 80 percent average scale, at 10th round sa 60 percent average scale.

Ayon sa statement na inilabas ng WBO, kung susumahin ang mga napanalunang rounds ni Horn at Pacman, makikita na limang rounds ang napanalunan ng Pinoy boxer, habang pito naman ang sa Australian boxer; isang malinaw na indikasyon na si Horn ang nanalo sa kanilang welterweight fight.

Samantala, nang malaman ni Horn na magkakaroon ng review sa kanilang laban, tinanggap naman niya ito. Iginiit rin niyang handa siyang magkaroon ng rematch.

Sa ngayon ay wala pang nilalabas na pahayag ang dalawang boksingero tungkol sa naging desisyon ng WBO base sa isinagawa nilang review ng Brisbane fight.

 

 

 

 

TAGS: battle of brisbane, Jeff Horn, Pacquiao, Radyo Inquirer, wbo, battle of brisbane, Jeff Horn, Pacquiao, Radyo Inquirer, wbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.