Pangulong Duterte, hands-on sa kanyang ikalawang SONA

By Isa Avendaño-Umali July 10, 2017 - 12:53 PM

Hands-on si Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa lalamanin ng kaniyang ikalawang State of the Nation Address o SONA na nakatakda sa July 24.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, kapag mayroong ayaw si Duterte sa draft ng kanyang talumpati ay talagang pinapapalitan o binabago niya ito.

Inihalimbawa ni Andanar ang ‘practice’ ni Duterte noong isang gabi, ngunit kinabukasan ay may bago na naman sa speech.

Hindi naman idinetalye ni Andanar ang mga nilalaman ng ulat sa bayan ni Duterte, dahil nasa proseso pa raw ang PCOO sa pagplantsa rito.

Matatandaan na noong unang SONA ni Duterte, nasa sampung revisions ang PCOO at Presidential Management Staff sa speech, bago tuluyang aprubahan ng punong ehekutibo.

Kaugnay nito, sinabi ni Andanar na gaya ng unang SONA ni Duterte ay magiging simple lamang ang ikalawang SONA.

Mismong ang presidente aniya ang umapela na huwag magarbo ang pagdaraos ng okasyon.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, rodrigo duterte, SONA, Radyo Inquirer, rodrigo duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.