Thai teenager, record-holder bilang pinakabatang golfing champ

By Jay Dones July 10, 2017 - 04:28 AM

 

Nakuha ng isang teenager mula Thailand ang karangalan bilang pinakabatang manlalaro ng golf na nanalo ng isang professional golfing tournament.

Ang katorse-anyos na si Atthaya Thitikul, ang big winner sa Ladies European Thailand Championship na ginanap sa Pattaya, Thailand kahapon.

Nakuha nito ang trophy sa eksaktong edad na 14 years and four months old.

Naungusan ng batang-batang golf pro ang nakalaban nito na si Ana Menendez ng Mexico sa pamamagitan ng huling putt sa 18th hole na dahilan upang makakuha ito ng two-shot victory.

Dahil sa pagkapanalo ni Thitikul, nabasag nito ang nauanang record ng Canadian na si Brooke Henderson na nakuha ang Canadian Women’s Championship trophy noong June 2012 sa edad na 14 years, nine months at tatlong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.