Nadine Lustre, ipinagkibit balikat ang balita na nagli-live-in na sila ni James Reid

By Mariel Cruz July 09, 2017 - 05:53 PM SHARE(S):
Photo: James Reid’s IG account

Hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi ni Nadine Lustre ang lumutang na balitang nagsasama na sila sa iisang bahay ng boyfriend na si James Reid.

Pero ayon kay Nadine, kung totoo man ito ay wala naman masama dahil hindi na aniya ito bago sa panahon ngayon.

Marami aniyang siyang kilalang mga batang magkasintahan na nagli-live in na o nagsasama na sa iisang bahay.

Sa halip na kumpirmahin o itanggi, naging tikom ang bibig ng aktres, at hindi ibinunyag ang katotohanan sa likod ng nasabing isyu.

Sinabi din ni Nadine na maraming beses nang pinag-uusapan ang naturang isyu, at para aniya kay James ay hindi na bago ito.

Ang kailangan aniyang gawin ng mga tao ngayon ay maging open-minded.

Sumikat ang tambalang Nadine Lustre at James Reid o JaDine noong 2015 dahil sa kanilang teleseryeng “On the Wings of Love, noong February 2016 inanunsiyo ng dalawa na opisyal na ang kanilang relasyon sa isang concert sa Araneta Coliseum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.