Baron Geisler, nagpa-drug test; negatibo sa paggamit ng iligal na droga

By Mariel Cruz July 09, 2017 - 05:50 PM SHARE(S):
Photo: Baron Geisler’s IG account

Marami ang nag-aakala na gumagamit ng iligal na droga ang aktor na si Baron Geisler dahil sa kanyang hindi magandang ugali at pakikitungo sa ilang kapwa artista.

Sa nagdaang mga buwan, ilang beses nasangkot si Baron sa gulo kabilang na ang paghamon niya sa aktor na si Kiko Matos na makaharap sa URCC ring, at ang pag-ihi niya kay Ping Medina habang nasa kalagitnaan ng shooting ng indie film na Bubog.

Dahil dito, boluntaryong nagpa-drug test si Baron at inilabas niya ang resulta nito sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing resulta, lumabas na negatibo sa paggamit ng droga ang aktor.

Sa caption ng post ni Baron, sinabi niya na mukha lang siyang goons pero, siya ay malinis.

Umani naman ng iba’t ibang komento ang post ni Baron, kung saan karamihan dito ay natuwa at umaasa na tuluyan nang magiging maayos ang buhay ng aktor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.