Death toll sa pagbaha sa Japan, umabot na sa 18

By Mariel Cruz July 09, 2017 - 05:47 PM

AP PHOTO

Umakyat na sa labing walo ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha sa timog na bahagi ng Japan na bunsod ng malakas na pag-ulan.

Napinsala ang Kyushu Island dahil sa ilang araw na pagbuhos ng malakas na ulan na nagresulta ng pag-apaw ng ilog, at malawak na pagbaha.

Ilang kalsada, bahay, at paaralan ang naapektuhan ng pagbaha, at libu-libong residente ang inilikas sa kani-kanilang tirahan.

Ayon sa mga otoridad, marami sa mga residente ang stranded sa baha dahil nahihirapan ang rescue team na maabot sila bunsod ng nagpapatuloy na pag-ulan at makapal na putik sa mga kalsada.

Sinabi naman ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga na ginagawa na ng gobyerno ang lahat para mailigtas ang mga stranded at mahanap ang mga nawawala.

Ayon sa mga opisyal ng Fukuoka at Oita prefectures, bukod sa labing walo na kumpirmadong nasawi, mayroong pang dalawampu’t pitong nawawala.

Limang katao naman aniya ang nasa kritikal na kondisyon, pero inaalam pa kung ang mga natamo nilang sugat ay dahil sa masamang panahon.

Nagbabala naman ang weather agency ng Japan na posibleng magpatulogy pa ang malakas na pag-ulan at mudslides sa hilagang bahagi ng Kyushu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.