Ambulansya na may sakay na buntis, bumangga sa tren ng PNR sa Blumentritt

By Mark Makalalad July 07, 2017 - 06:29 PM

Wasak na wasak ang isang L300 van na nagsisilbing rescue ambulance, ng Brgy. 167, llano, Caloocan City makaraang sumalpok sa tren ng PNR sa Blumentritt, Maynila.

Laman ng ambulansya ang limang katao kasama na ang isang buntis. Alas 3:30 hapon ng Biyernes (July 7) nangyari ang aksidente.

Ayon sa mga saksi, nakatawid sana ang ambulansya kung hindi naipit ng mga tricycle. Dinala na sa Jose Reyes Medical Center ang mga sakay ng ambulansya.

May malay naman ang buntis nang dalhin sa ospital habang head injury naman ang natamo ng iba pa nyang kasama.

TAGS: Ambulansya, blumentritt, PNR, Ambulansya, blumentritt, PNR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.