Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong buwan

By Dona Dominguez-Cargullo July 07, 2017 - 12:20 PM

Makararanas na naman ng dagdag singil sa kuryente ang mga consumer ng Meralco.

Sa abiso ng Meralco, P0.08 per kilowatt hour ang itataas sa singil sa kuryente.

Naibawas na sa halaga ng dagdag singil ang P0.79 per kilowatt hour na refund sa mga consumer.

Kung wala ang refund, mas malaki pa sana ang mararamdamang taas presyo.

Dahil sa nasabing power rate hike, ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour sa isang buwan ay magkakaroon ng dagdag na P16 sa kanilang bill ngayong July.

P24 naman ang dagdag para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour.

Kung 400 kilowatt hour naman ang konsumo sa isang buwan, P32 ang madaragdag sa bill at P40 na dagdag kung ang konsumo ay 500 kilowatt hour.

 

 

TAGS: meralco, power rate hike, Radyo Inquirer, meralco, power rate hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.