Lalaki, sinilaban ang kaniyang mag-iina dahil sa Facebook post

By Kabie Aenlle July 07, 2017 - 04:23 AM

 

Binuhusan ng padre de pamilya ang kaniyang kinakasama at dalawa niyang batang anak sa Sta. Rita, Pampanga, matapos siyang mapikon sa post ng live-in partner sa Facebook.

Nagalit si Ferdinand Imat matapos umanong mag-post ang live-in partner na si Jennylyn Ramos sa Facebook, na nagsasabing hindi pisikal na kaaya-aya si Imat.

Anim na litro ng gasolina ang ibinuhos ni Imat kay Ramos, pati na sa mga anak nilang isang taon at tatlong buwang gulang pa lamang na natutulog sa kanilang tahanan, at saka sila sinindihan.

Nagising si Ramos at binitbit ang kaniyang mga anak palabas ng bahay, na sinaklolohan naman ng mga kapitbahay na agad silang binuhusan ng tubig.

Nagtamo ng matinding mga paso sa katawan ang mag-iina na sa ngayon ay nasa Jose. B. Lingad Regional Memorial Hospital.

Dahil dito, nahaharap ngayon sa mga kasong frustrated murder at frustrated parricide si Imat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.