Isa patay sa gumuhong commercial building sa Kanangan, Leyte

By Len Montaño July 06, 2017 - 07:40 PM

KANANGA LEYTE, COURTESY OF Queene Joy Reforzado

Isa ang naiulat na patay at hindi bababa sa sampu ang nasugatan habang ilan pa ang na-trap matapos mag-collapse ang isang commercial building sa bayan ng Kananga kasunod ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte, Huwebes ng hapon.

KANANGA LEYTE, COURTESY OF Queene Joy Reforzado

Sa isang panayam ay sinabi ni Kananga Mayor Rowena Codilla na may naretrieve na isang bangkay ng lalaki mula sa gumuhong gusali.

Patuloy anya ang rescue operation para sa mga taong naipit sa tatlong palapag na gusali na isang pension house.

Sinabi ni Codilla na ang pension house ay may grocery store sa ground floor at maraming tao ang nasa loob nang mangyari ang lindol.

Samantala, sinabi ni PHIVOLCS Director na may natanggap na silang report na may slight damage sa bayan ng Jaro sa Leyte.

TAGS: Kanangan, leyte, lindol, Kanangan, leyte, lindol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.