Isa sugatan sa salpukan ng motor at kotse sa Quezon City

By Cyrille Cupino, Hani Abbas July 06, 2017 - 08:37 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos salpukin ng isang kotse sa kahabaan ng Quezon Ave., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Ayon sa biktimang si Noel Resty Abesamis, pauwi na sana siya mula sa trabaho nang banggain ni Abraham Mendez.

Sakay si Mendez ng pulang Toyota Echo Verso na may plakang JSA 520.

Paliwanag ni Mendez, may matulin na motorsiklo na nag-cut sa kaniya dahilan para tamaan niya ito at tumalsik ng may 10 metro ang layo.

Depensa naman ng motorcycle rider na si Abesamis, katamtaman lang ang kanyang takbo, at si Mendez umano ang matulin kaya inabutan siya nito sa likod at nabangga.

Nagtamo ng sugat sa ulo, braso at siko ang motorcycle rider.

Nang tanungin ng media, aminado naman ang driver ng kotse na siya ay naka-inom ng alak, pero kaya naman umano niyang magmaneho.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Quezon City Traffic Management Unit sa nasabing aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: metro news, motorcycle rider, quezon city, Radyo Inquirer, Vehicular accident, metro news, motorcycle rider, quezon city, Radyo Inquirer, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.