Lalaki patay sa bugbog sa Pasig City

By Cyrille Cupino July 06, 2017 - 08:12 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos pagtulungang bugbugin sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon kay PO2 Danilo Damasco, investigator on case, nagsimula umano ang gulo sa lamay ng asawa ni Clarito Nesmida.

Habang nag-iinuman ang mga nakikiramay, bigla na lamang umanong nagkaroon ng rambulan sa hindi pa malamang dahilan.

Pinagtulungang bugbugin hanggang sa napatay ang biktimang si Jesel Fabella, 38 anyos.

Ayon kay Damasco, nang humupa ang gulo, natagpuan na lang ng mga residente ang bangkay ni Fabella sa tapat ng barangay security outpost, sampung metro ang layo mula sa lamay.

Nagtamo ang biktima ng laslas sa mukha at mga tama sa ulo na posibleng dulot ng pagpukpok ng matigas na bagay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pasig City Police upang mahuli ang mga suspect at para malaman ang motibo sa likod ng krimen.

 

 

TAGS: crime, metro news, Pasig City, pinagbuhatan, crime, metro news, Pasig City, pinagbuhatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.