Water rate hike ng Manila Water at Maynilad, sa susunod na taon na lang ipatutupad

By Dona Dominguez-Cargullo July 06, 2017 - 06:50 AM SHARE(S):

Ipinagpaliban ng Manila Water at Maynilad ang hirit nilang dagdag singil sa tubig.

Sa halip, sa buwan ng Enero 2018 na lamang plano ng Maynilad at Manila Water ipatupad ang hirit nilang dagdag singil.

Ang Maynilad ay humihirit ng dagdag na P9.68 per cubic meter na dagdag habang P8.30 naman per cubic meter ang hirit ng Manila Water.

Kung sakaling maaaprubahan ay mangangahulugan ito ng dagdag na mahigit isangdaang pisong bayarin sa mga consumer na ang konsumo ay 20 cubic meters kada buwan.

Tiniyak naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na masusing pag-aaralan ang hirit na dagdag singil.

 

 

 

 

 

TAGS: manila water, maynilad, rate hike, water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.