Mga oil companies may dagdag presyo bukas

By Justinne Punsalang July 03, 2017 - 07:12 PM SHARE(S):
Inquirer photo

Matapos ang apat na magkakasunod na linggong pagbabawas presyo ng produktong petrolyo, bukas, July 4, ay magpapatupad naman sila ng price increase.

Ang Shell, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, PTT, Seaoil, Clean Fuel, Unioil, Chevron at Total ay magdadagdag ng P0.30 sa kada litro ng gasolina, P0.70 para sa diesel at P0.55 naman sa bawat litro ng kerosene o gaas.

Alas-sais ng umaga bukas magsisimula ang dagdag singil sa mga petroleum products base sa kanilang mga inilabas na advisories.

Sa kanilang hiwalay na pahayag, sinabi ng Flying V na 12:01 ng madaling araw sila magpapatupad ng dagdag sa presyo ng kanilang mga paninda.

Ang nasabing price increase ay may kaugnayan sap ag-galaw ng presyo ng mga petrolyo sa world market ayon sa Department of Energy.

TAGS: diesel, DOE, Flying V, gasoline, kerosene, oil price increase, Petron, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.