Halos 10,000 sako ng NFA rice, naipamahagi na sa Marawi victims

By Mark Gene Makalalad July 03, 2017 - 11:23 AM

Aabot na sa 9,917 na sako ng bigas ang naipamahagi na ng National Food Authority (NFA) sa mga relief-giving agencies para maipamahagi sa mga biktima ng gulo sa Marawi City.

Mula June 23 hanggang June 28 ng taong kasalukuyan, nakapagbigay na ang NFA ng 6,067 na bag ng bigas sa Department of Social and Welfare Development (DSWD).

600 sa mga sako nito ay mula sa NFA Misamis Oriental; 1,867 sako galing sa General Santos City; 2,400 na sako mula Cotabato City habang 1,200 na sako naman ang galing sa Maguindanao.

May kabuuang 2,100 na sako naman ang na-isyu na sa Local Government ng Lanao del Norte at nasa 1000 sako ang kinuha galing sa Office of Civil Defense sa Lanao del Norte at sa Region 14 o ARMM.

Nasa 750 na sako naman ang binili ng Office of the Vice President at Office of the legislators sa NFA.

Samantala, tiniyak naman ni NFA administrator Jason Laureano Y. Aquino ang mga residente ng Mindanao na may sapat silang stock ng bigas sa rehiyon at handa rin silang magbigay ng tulong kung kinakailangan.

 

 

 

 

 

TAGS: Lanao del Norte, Lanao Del Sur, Marawi City, nfa, Lanao del Norte, Lanao Del Sur, Marawi City, nfa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.