Jerwin Ancajas, wagi sa undercard match laban sa Japanese fighter sa Battle of Brisbane

By Mariel Cruz July 02, 2017 - 11:49 AM SHARE(S):
INQUIRER PHOTO

Napanatili ng Filipino fighter na si Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight title sa isang undercard match sa “Battle of Brisbane”.

Ito ay matapos talunin ni Ancajas ang kanyang kalaban na Japanese boxer na si Teiru Kinoshita.

Sa pamamagitan ng technical knockout, nagwagi si Ancajas.

Umabot ang kanilang laban hanggang sa ika-pitong round, kung saan nagawang mapabagsak ni Ancajas si Kinoshita.

Bumagsak ang Japanese boxer dahil sa isang malakas na right hook mula kay Ancajas.

Ito na ang ika-labing walong knockout victory ni Ancajas sa kanyang boxing career, at hawak na niya ang record na 27-1-1.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.