Tourism industry direktang naapektuhan ng martial law sa Mindanao ayon sa DOT

By Mariel Cruz June 28, 2017 - 04:57 PM

Inquirer photo

Mahigit 12,000 na South Korean ang nagkansela ng kanilang pagbiyahe sa Pilipinas ayon sa Department of Tourism.

Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City at ang pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.

Pero sinabi ni Tourism Usec. Ricky Alegre na ang nasabing mga kanselasyon ng pagbisita ay sa bahagi lamang ng Mindanao.

Hindi rin aniya ganoon kalaki ang epekto ng sitwasyon sa Mindanao sa tourist arrivals sa Luzon at Visayas.

Ipinaliwanag din ni Alegre na sa kabila ng mga kanselasyon, mayroon naman bagong bookings sa iba pang destinasyon sa bansa.

Sinabi din ni Alegre na kumpiyansa sila na maaabot pa rin ang 7 million tourists na target ng ahensya ngayong taon.

Una nang sinabi ni Tourism Sec. Wanda Teo na kung walang martial law, posibleng wala din mga kanselasyon.

TAGS: alegre, dot, koreans, Martial Law, Mindanao, tourists, alegre, dot, koreans, Martial Law, Mindanao, tourists

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.