Barangay chairman at 3 iba pa, patay sa pananambang sa Cotabato City

By Kabie Aenlle June 28, 2017 - 04:20 AM

 

Nasawi ang isang kapitan ng barangay at tatlong iba pa matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang gunmen kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Barangay Tamontaka 1 chairman Mokamad “Max” Pasawilan; Unting Pasawilan na isa sa mga kagawad, at ang tanod na si Jhonny Pasawilan, pati na ang treasurer ng barangay na si Anday Pasawilan.

Ayon sa hepe ng police station 3 sa Cotabato City na si Senior Insp. Rustom Pastolero, dead on the spot ang barangay chairman at ang kagawad, habang sina Johnny at Anday naman ay nasawi pagdating sa ospital.

Aniya, nasa harap lang ng tahanan ni Barangay Balabaran chairman Datu Omar ang mga biktima, nang biglang dumating ang mga suspek.

Doon na sila pinagbabaril ng mga suspek dakong ala-1:30 ng hapon.

Ani Pasolero, nagsi-takas ang mga suspek patungko sa silangang bahagi ng barangay.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng .45 cal na pistol at M-16 rifle.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.