2 hinihinalang drug pusher, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Parañaque City

By Cyrille Cupino June 27, 2017 - 07:00 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang dalawang lalaking hinihinalang drug pusher matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Juanita De Leon St., Sitio Santo Niño Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Kinilala ang isa sa mga suspect na si alyas ‘Jong’ na sinasabing kilalang nagsu-supply ng droga sa Olivarez Compound, ang isa naman ay hindi pa alam ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Parañaque Police, isang concerned citizen ang nag-‘tip’ sa pulisya na nakita si alyas ‘Jong’ sa lugar.

Nirondahan ng mga pulis ang lugar nakita ang mga suspect na sakay ng isang motorsiklo.

Nang kanilang sinita, bigla na lamang umanong bumunot ng baril ang mga ito dahilan para sila ay gumanti.

Nakuha sa mga suspect ang 12 sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at isang digital weighing scale, pati na ang isang caliber .22 at caliber .38.

Inaalam pa naman ng pulisya kung ang narecover na motorsiklo mula sa mga suspect ay nakaw rin.

Inaalam pa naman ng Parañaque City Police ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspect.

 

 

 

 

TAGS: drugs, paranaque city, War on drugs, drugs, paranaque city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.