Bus na may sakay na mga estudyante sa Argentina, bumaligtad, 15 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo June 27, 2017 - 06:58 AM

Labinglima ang nasawi makaraang maaksidente ang isang bus na may lulang mga estudyante, magulang at mga guro sa Argentina.

Galing sa dance school ang nasabing bus nang ito ay maaksidente sa kanlurang bahagi ng Buenos Aires at bumaligtad.

Sa labinglimang nasawi, siyam dito ay mga bata.

Nasawi din ang driver ng bus ayon kay local health minister Claudia Najul.

Dinala naman sa ospital ang 21 nasugatan.

Ayon sa mga nakaligtas, mabilis ang andar ng bus na mayroong 50 pasahero nang ito ay bigla na lamang bumaligtad sa palikong bahagi ng kalsada.

 

 

 

 

TAGS: 15 died in an accident, Argentina, bus, dance school, 15 died in an accident, Argentina, bus, dance school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.