Malakanyang, pinaghahandaan na ang ikalawang SONA ni Pangulong Duterte

By Isa Avendaño-Umali June 26, 2017 - 10:44 AM

Nag-umpisa na ang mga paghahanda at pagpaplano para sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sa July 24, 2017.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office o PCOO Secretary Martin Andanar, nakikipag-ugnayan sila sa Presidential Management Staff kaugnay sa nalalapit na SONA ni Duterte.

Kabilang aniya sa kanilang mga pinaghahandaan ay produksyon at ang magiging laman ng speech o ulat sa bayan ng presidente.

Ani Andanar, tiyak na may paghahambing ang ikalawang SONA sa unang SONA ng punong ehekutibo, bukod pa sa ilalahad nito ang mga natupad o accomplishments sa mga ipinangako ng Duterte administration.

Dagdag ni Andanar, asahan na babanggitin din ni Duterte ang kampanya laban sa ilegal na droga at kurapsyon sa pamahalaan, maging ang agenda ni Duterte sa mga susunod na taon.

 

 

TAGS: rodrigo duterte, SONA, rodrigo duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.