Walang Pinoy na nadamay sa pagsabog sa Pakistan – DFA

By Rohanisa Abbas June 26, 2017 - 10:41 AM

Walang Pilipinong nadamay sa magkakahiwalay na pagsabog sa Pakistan noong Biyernes.

Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs matapos itong iulat ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad.

Ayon sa DFA, hindi bababa sa 80 katao ang nasawi sa suicide car bombing sa Quetta City, at sa kambal na pagsabog sa Parachinar.

Naghatid ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga nabiktima ng insidente.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa Pakistan.

 

TAGS: car bomb, DFA, pakistan, car bomb, DFA, pakistan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.