P25 milyon halaga ng shabu, nasamsam sa bahay ng Vice Mayor ng Marawi City

By Ricky Brozas June 25, 2017 - 12:42 PM

FILE PHOTO

Nasamsam ng mga otoridad ang limang kilong Shabu sa bahay ni dating Marawi City Mayor Fajad Salic at ni Incumbent Vice Mayor Arafat Salic na nagkakahalaga ng 25 milyung piso.

Nakuha umano ang mga nasabing droga sa magkahiwalay na bahay ng dalawa.

Iyan ay makaraaang madiskubre ng PNP-Anti Drug Enforcement Group ang pinagtataguan ng Shabu nang magtiyuhin na Salic sa Brgy. Cabingan, Marawi City.

Ayon kay PNP Anti- Drug Enforcement Group head S/Supt. Graciano Mejares, magsasagawa sila ng case conference upang maihanda ang kasong ihahain laban sa dalawa.

Una na ring ni-raid ang bahay ng mga Salic noong mga nakaraang araw kung saan may nakuha ring droga sa mga ito.

Dahil dito aabot na sa 35 milyong piso ang halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam sa pamilya ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.