Bilang ng mga apektado ng landslide sa China, aabot sa 100 katao

By Jimmy Tamayo June 24, 2017 - 11:38 AM

Courtesy: Google

Aabot sa isandaang katao ang pinangangambahang natabunan sa pagguho ng lupa sa isang village sa Sichuan province sa timog kanlurang bahagi ng China, umaga ng Sabado.

Sa report ng state news agency na Xinhua, gumuho ang bahagi ng bundok sa Xinmo.

Tinatayang nasa 40 bahay ang natabunan at nabarahan din ng debris ang malaking bahagi ng ilog na nasa lugar.

Nagpapatuloy ang rescue operation sa insidente.

TAGS: China, Sichuan province, China, Sichuan province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.