Lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City

By Mark Gene Makalalad June 23, 2017 - 02:16 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang lalaki sa Sitio Brgy. Pag asa, San Roque Dos, Quezon City matapos itong barilin.

Nakilala ng mga otoridad ang biktima na si Mario Gurmiran, 54 na taong gulang.

Alas 11:10 ng umaga nangyari ang pagpatay.

Ayon sa kaanak ng biktima, isang nagngangalang “Bobot” na tulak daw droga ang posibleng may kagagawan ng pagpatay.

Matagal na umano kasing may hidwaan ang dalawa at matagal nang may banta sa buhay ni Mario dahil pinapakialaman nito ang mga aktibidad ni “Bobot” kapag nagsisiga-sigaan ito sa kanilang lugar.

Pasado ala una naman ng dumating ang SOCO sa lugar kung saan nangyari ang krimen.

Ayon kay Police Officer 2 Julius Paz ng QCPD, 3 tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima at 1 daplis ng bala sa braso.

Dinala sa Lights Funeraria ang biktima.

 

TAGS: quezon city, Shooting Incident, quezon city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.