‘Superman punch ni Mcgregor, posibleng ikabagsak ni Mayweather

By Rhommel Balasbas June 23, 2017 - 03:57 AM

 

Limitado man sa MMA techniques na maaring gamitin para mapatulog si Mayweather sa boxing ring, maari umanong gumamit ng isang Superman Punch si McGregor upang masiguro ang panalo laban sa boxing champ.

Ayon kay Stephen Espinoza, executive vice president ng Showtime Sports, ito ang kaisa-isang MMA move na pasok sa rules ng boxing na maaring gamitin ni McGregor.

Ang Superman Punch ay isang technique kung saan isisipa ang kanang paa mula harap palikod na magbibigay ng mas malakas na pwersa para sa isang solidong suntok.

Ginagamit din ito sa Burmese boxing, sanshou at Muay Thai.

Ang ‘Superman Punch’ ang nagpatalo sa tiyuhin ni Mayweather na si Roger sa laban nito sa dating six-time world boxing champion na si Julio Cesar Chavez noong 1985.

Inaasahan na magiging mainit ang bakbakan ng dalawa na magaganap na sa August 27.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.