Sequel ng Wonder Woman 2017, pinaplano na

By Rhommel Balasbas June 23, 2017 - 03:57 AM

 

Bagamat hindi pa tapos ipalabas sa iba’t ibang panig ng mundo maging sa Pilipinas ang action-comic film na Wonder Woman, agad na inihahanda ang sequel nito matapos ito kumita nang husto sa box office.

Inihayag ni DC President Geoff Johns na kasalukuyan nilang isinusulat ni Director Patty Jenkins ang story treatment ng Wonder Woman 2.

Ayon sa Forbes, aabot na sa 600 million dollars ang kita ng pelikulang ito ngayong linggo.

Nagpakita rin ang Pinoy fans ng suporta sa pekilulang ito matapos itong kumita ng mahigit 200 milyong piso sa unang apat na araw ng showing nito sa bansa.

Inaasahang malalampasan na rin ng Wonder Woman 2 ang kinita ng mga sikat ding DC Comic films na Man of Steel at Suicide Squad.

Ang Wonder Woman 2017 ay pinagbibidahan ng aktres na si Gal Gadot.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.