Pilipinas, Malaysia, Indonesia nagkaisa laban sa terorismo

By Jay Dones June 23, 2017 - 03:45 AM

 

Inquirer.net/AP

Nagkaisa ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia na palakasin pa ang ugnayan ng tatlong bansa upang mapahinto ang paglilipat-lipat ng mga extremists at mga makinarya ng mga ito upang mapigilan ang pagkalat ng terorismo sa rehiyon.

Pormal na nagkaharap-harap sa isang trilateral meeting sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at kanyang mga counterparts mula Malaysia at Indonesia upang buuin ang plano kung paano lalabanan ang mga ISIS linked terrorists sa kani-kanilang mga hurisdiksyon.

Ayon kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi, wala nang kinikilalang ‘land borders’ ang terorismo kaya’t walang bansa na ligtas dito.

Lalo pa aniyang lumalakas ang banta dahil sa lawak ng naaabot ng social media na ginagamit ng mga nais maghasik ng lagim upang makakuha ng mga ‘recruits’ sa ibayong dagat.

Ito aniya ang dahilan kung bakit napakahalaga ng kooperasyon sa pagitan ng tatlong bansa upang labanan ang banta ng terorismo at pagkalat pa nito.

Sinabi naman ni Malaysian Foreign Minister Anifah Aman, dapat mas maging matalino ang mga counterterrorism experts upang masupil ng mga ito ang pagkalat ng mga marahas na ginagawa ng mga terorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.