2 tauhan ng BIFF na sangkot sa Pigkawayan attack, arestado ng militar

By Chona Yu June 23, 2017 - 04:01 AM

 

Bukod sa anim na napatay, dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na umatake kahapon sa Pigcawayan North Cotabato ang hawak ngayon ng tropa ng militar.

Nakilala ang dalawang bandido na sina Jahren Mantukay, 23 anyos at Bardurin Limba, 28 anyos na kapwa miyembro ng BIFF Special Operations Group at kapwa residente ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Madalas daw na makitang kasama ng dalawang bandido ang isang alyas ‘Palos’ na nag-ooperate ng mga motorized banca na ginagamit na transportasyon ng BIFF.

Naaresto ang dalawa sa itinayong checkpoint ng ng 22nd Mechanized Company, 2nd Mechanized Battalion, Mechanized Division ng Philippine Army sa Butilin, Datu Salibo, Maguindanao.

Nakuha sa dalawang suspek ang dalawang sachet ng shabu.

Aabot naman sa animnaput tatlong sibilyan na binihag ng biff ang nasa ligtas nang kalagayan ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.